Maraming Carla Torres Ang Pangalan Sa Mundo Gamitin Ang Utak

Sikat na sikat ngayon ang pangalan ni Carla Torres sa social media, tulad nitong mga nagdaang araw na may isang post ang pinagkaguluhan ng marami. Ang viral post na tinutukoy ay tungkol sa dalawang kabataan na gumawa ng di kanais nais at nag iwan pa ng katagang "ma, review lang kami sa kwarto", at ang #boyjackpot.

Pangalan Ni Carla Torres Viral Sa Social Media.



Marami ang nadismaya sa sinasabing video, dahil narin sa kapos daw umano ang kanilang napanood. Kaya naman, naghahanap pa sila ng boy jackpot part 2.

Ang masaklap lang, dahil sa paghahangad na mapanood ang part 2 ay hinanap na talaga nila ang mga tauhan sa naturang video.

Dahil sa galing manaliksik ng mga tao ngayon, natagpuan nga nila ito at nalaman ang mga pangalan. Isa na dito ang pangalan ng babae na tawagin nalang nating Carla Torres. Kapag i-search nyo ang pangalang Carla Torres, ay agad namang makikita ang isang account na nagngangalang Cai Torress.

Marami ang nag chat kay Cai Torres, humihingi ng part 2 ng video. Pero, hindi ka o kayo binigyan nito, dahil hindi naman si Cai Torres ang babae sa naturang viral video.

Paalala lang, gamitin natin ang utak natin, ayusin ang paggamit ng ating isipan, manaliksik kung kailangan, sipatin at suriin ng mabuti.

Marami ang magkakaparehas na pangalan, marami rin ang magkamukha sa mundo. Bago manghusga, tayo ay manaliksik muna.

Post a Comment

Previous Post Next Post