Nakuhanan Ng Letrato Ang Mabuting Ginawa Ng Isang Service Crew Sa Jollibee

Isang jollibee crew nanaman ang kalat na kalat sa isang sikat na social media platform ngayon. Ang mga netizens ay natutuwa at napukaw di umano ang kanilang damdamin dahil sa nakitang letrato. Kung kaya naman, marami ang nagbigay ng kani kanilang opinyon at saloobin tungkol dito.

Halos lahat ng nasa comment section ay sobrang proud sa ginawa nito. Marami ang pumuri sa kagandahang loob na ipinakita ng service crew.

Pagtulong Ng Isang Jollibee Service Crew Nag Viral.



Mapapagmasdan natin ang letrato ng sikat na sikat na jollibee crew ngayon.

Ang letratong ito ay unang pinost sa isang Facebook Page na VIRAL Photos. na may caption na...

Guys! pasikatin natin si kuyang Service crew ng Jollibee, Pauwi na dapat si kuya kaso may nakita syang lalaki na may kapansan, gutom na gutom kulang daw pera nya, inabonohan ni kuya yung kulang para makabili at makakain na si manong, hirap si manong sa pag subo kaya tinulungan na din makakain ni kuyang Service Crew.. Saludo kami sa'yo kuya dahil sa ginintuang puso mo.. God bless you!

Ang letratong ito ay totoong nakakapagbigay ng inspirasyon. Marami parin talaga ang handang tumulong sa mga nangangailangan kahit maliit lamang na mga bagay. Proud na proud ang mga netizens sayo.

Post a Comment

Previous Post Next Post