Babae Nambugbog Ng Isang Matandang Lalaki Viral Ngayon

Isang babaeng nambugbog sa isang viral video ang mainit na mainit sa mata ng mga tao ngayon. Isang babae di umano ang nambugbog sa isang matandang lalaki sa loob ng isang pampasaherong jeep.

Mabuti nalamang at may camera sa loob ng pampasaherong jeep, at kung kaya naman ay nakita ang buong katotohanan sa nasabing viral video.

Babae Nambugbog Ng isang Tatay Viral Ngayon.



May sumakay na isang matandang lalaki sa isang pamapasaherong jeep.

Ang jeep ay mauga kung kaya naman nawalan ng balanse ang matandang lalaki.

Habang papaupo na ang matandang lalaki, kamuntikan na nya itong matamaan ang isang babae na nakaupo. Agad namang nag react ang babae, tumayo't lumipat ng pwesto sa likuran ng driver ng jeep.

Nakipagtalo ang babae at dinidiing binastos daw di umano ito ng matandang lalaki. Pagkatigil ng jeep sa babaan ay agad namang sinapok ng babae ang matandang lalaki. Bumawi ng sipa ang matanda kung kaya naman ay humingi na ng tulong ang babae. Agad namang tinulungan ang babae ng dalawang lalaki at binira ulit ang kawawang matandang lalaki.

Naawat lamang ito ng pinalabas na sila ng driver ng pampasaherong jeep.

Ang pangyayaring ito ay na-upload sa ibat ibang social media platforms specially sa Facebook at napanood ng marami. Kung kaya naman ay naging usap usapan at naging sobrang viral.

Nakarating narin ito sa isang isakat na sikat na programa ni idol Raffy Tulfo at agad namang inaksyonan.

Humingi ng tawad ang babae, lumuhod at umiyak para hindi na magsampa ng kaso ang matandang lalaki subalit disidido na itong ituloy ang kaso.

Post a Comment

Previous Post Next Post